Ipinahayag ni Senator Allan Peter Cayetano na handa na siyang magresign bilang senador anomang oras.
Hinamon pa nito si Sen.Antonio Trillanes IV na sumabay na sa kanya para aniya mabawasan ang hindi pagkakasundo sa Senado.
Sa isang pahayag naman ni Sen. Trillanes sinabi niyang dapat si Cayetano ang maunang magresign alinsunod sa pinangako nito noon na magbibitiw siya kung hindi masolusyunan ng Duterte Administration ang krimen, kurapsyon at problema sa droga sa loob ng tatlo at anim na buwan.
Samantala, itinaggi rin ng ilang senador na pinangalanan ni Trillanes na nagsasabwatan sila para baguhin ang senate presidency.
Wala umanong katotohanan ang mga pahayag ni Sen. Antonio Trillanes IV sa isang interview na pinamumunuan ni Sen. Alan Peter Cayetano ang isang plano para patalsikin bilang Senate President si Sen. Aquilino Pimentel III.
Ayon kay Sen. Cayetano, walang siyang interes sa pagiging Senate President dahil ilang buwan nalang ay bibigyan na siya ng ibang trabaho ni Panguong Rodrigo Duterte.
Ayon naman kay Sen. Josepth Victor Ejercito, ito ay produkto lamang ng imahinasyon ni Trillanes.
Ayaw naman magbigay ng kumento ni Sen.Richard Gordon habang sinabi naman ni Sen. Juan Miguel Zubiri na bilang kababayan ni Pimentel sa Mindanao, hindi niya susuportahan ang ganitong mga hakbang.
Wala rin aniya silang napag-usapang plano para baguhin ang senate leadership.
Sinabi naman ni Sen.Cayetano na ang dapat ayusin ay ang kumposition ng majority bloc sa Senado.
May mga iilan aniya na miyembro ng majority, partikular ang ilang Liberal Party senators tulad ni Sen.Leila de Lima hindi naman sumusuporta sa adhikain ng administrasyon.
Una nang sinabi ni Sen.Leila de Lima, at iba pang liberal party senator na personal na desisyon ang pagiging bahagi ng mayorya, at dapat hindi pinipilit ang sinumang senador na sumang-ayon o tumutol sa anomang isyu.
(Joyce Balancio / UNTV Correspondent)
Tags: hinamon si Sen. Antonio Trillanes na magresign, Sen. Cayetano