Sen. Bam Aquino, pag-aaralan ang pananaw ng ilang legal luminaries at jurispudence kaugnay sa citizenship issue ni Sen. Poe, bilang myembro ng SET

by Radyo La Verdad | September 28, 2015 (Monday) | 1301

SE.AQUINO
Ikinatuwa ni Senador Grace Poe ang pananaw ng ilang legal luminaries ukol sa citizenship issue nito na dinirinig sa Senate Electoral Tribunal

Sa isang pahayag, pinanigan ni Retired Chief Justice Artemio Panganiban na si Poe ay natural-born filipino

Umaasa si Senador Poe na ang batas ay nasa kanilang panig sa kanyang citizenship issue

Ayon naman kay Senador Bam Aquino na miyembro ng Senate Electoral Tribunal, pag-aaralan nila ang mga desisyon ng mga justice sa mga kasong kapareho ng kay Poe

Ayon kay Aquino maaring madesisyunan na nila ang kaso ni Poe sa Nobyembre.

Itinanggi naman ni Senador Aquino na ini-impluwensiyahan siya ng mga kapartido sa Liberal Party o mga pulitiko.

Aminado ang senador na mabigat ang trabaho nila bilang miyembro ng SET at magdedesisyon sila kung ano ang sa palagay nila ay tama.

Ayon pa kay Aquino, asahang paaralan niyang mabuti ang kaso lalo nat anuman ang magiging desisyon ng myembro ng SET sa foundling issue ni Poe ay makakaapekto na rin sa lahat ng foundling o napupulot na bata sa bansa na nais tumakbo sa mataas na posisyon. ( Bryan de Paz / UNTV News )

Tags: , ,