Sen. Aquilino ‘Koko’ Pimentel III, nanumpa bilang bagong Senate President

by Radyo La Verdad | July 25, 2016 (Monday) | 1079

BRYAN_NANUMPA
Nagsimula na ang sesyon ng 17th Congress kaninang umaga.

Sa Senado, nanumpa muna ang mga bagong senador bago sila pormal na namili ng kanilang bagong Senate President.

Unang ninominate ni Sen. Vicente Sotto III bilang kandidato para sa naturang pwesto si Sen. Aquilino ‘Koko’ Pimentel na sinegundahan naman ng kanyang mahigpit na naging katunggali noong 2007 na si Sen. Juan Miguel Zubiri.

Pagkatapos nito ay tumayo naman si Sen. Francis Escudero upang imungkahi na isama sa pagpipiliian si Sen. Ralph Recto.

Matapos ang botohan, si Senador Aquilino Pimentel III ang nahalal bilang bagong pinuno ng senado matapos niyang makuha ang 20 boto mula sa 23 senador na dumalo sa pagbubukas ng sesyon ngayong araw.

Nakuha naman ni Sen. Rector ang pagiging minority leader, nahalal naman si Senador Franklin Drilon bilang Senate President Pro-Tempore habang si Sen. Sotto naman ang naging Majority Floor Leader.

Ang mga senador na kasama sa mayorya ay sina Senador Vicente Sotto III, Juan Miguel Zubiri, Franklin Drilon, Sonny Angara , Bam Aquino, Nancy Binay, Leila De Lima, Joseph Victor Ejercito, Sherwin Gatchalian, Richard Gordon, Gregorio Honasan The Second, Risa Hontiveros, Panfilo Lacson, Loren Legarda, Manny Pacquiao, Francis Pangilinan, Grace Poe, Joel Villanueva, Cynthia Villar At SP Aquilino Koko Pimentel III.

Samantalang kasama naman sa minorya sina Senador Chiz Escudero, Senador Antonio Trillanes The Fourth at Senador Ralph Recto.

Hindi namannakadalosa pagbubukas ng sesyon si Senador Alan Peter Cayetano na nauna na ring nagpahayag ng interes na maging Senate President.

Ngunit sa kanyang social media account, sinabi ni Cayetano na handa naman siyang sumuporta sa mga programa ng pamahalaan tungo sa tunay na pagbabago.

(Bryan De Paz / UNTV Correspondent)

Tags: ,