Sen. Allan Peter Cayetano, tatakbo bilang Bise Presidente sa 2016 election

by Radyo La Verdad | September 29, 2015 (Tuesday) | 1217

Pormal nan gang nagdeklara ngayong araw sa Davao city si Senator Alan Peter Cayetano na siya ay tatakbo bilang bise presidente sa darating na 2016 National Election.

Sinabi ni Cayetano sa kaniyang pahayag na nakipag-usap siya kay Pangulong Aquino, ukol sa plano niyang pagtakbo sa mas mataas na posisyon.

Ayon sa senador ay sinusuportahan niya ang adhikain ng pangulo na masugpo ang korupsyon at pagpapatupad ng reporma sa ating bansa.

Ngunit paglilinaw ni Cayetano, na wala pa siyang running mate, ngunit usap-usapan ngayon na matunog ang Duterte-Cayetano tandem dahil sa Davao city ito nagdeklara kung saan ito ang balwarte ni Duterte.

Matatandaan na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte ay naunang nagpahayag na hindi siya tatakbo sa pagkapangulo, ngunit nito lamang linggo ay nagpahayag ang alkalde na siya ay nagso-“soul searching” at pinag-iisipan niya na ngayon kung siya nga ba ay dapat ng tumuloy sa pagtakbo sa pagkapangulo.

Samantala para naman sa panig ni Senator Cynthia Villar, asawa ni Nationalista party president Manny Villar,na kinasasapiang partido nila Senators Antonio Trillanes, Bongbong Marcos at Alan Peter Cayetano ay nakahandang suportahan ng partido sa anomang desallan peter cayetano 2isyon na kanilang gagawin ukol sa darating na halalan.

Tags: , ,