Self-test kits, isinusulong ng DTI kaalinsabay sa pagtaas ng COVID-19 cases

by Radyo La Verdad | January 6, 2022 (Thursday) | 440

METRO MANILA – Isinusulong ng Department of Trade and Industry (DTI) na maging available ang COVID-19 self test kits sa drugstores upang maging dagdag protection kasabay ng pagtaas ng COVID-19 cases.

Sa isang text message ni DTI Secretary Ramon Lopez noong Martes, panahon para mang engganyo ng paggamit ng COVID-19 self-test kits upang makaiwas sa pagkahawa ng sakit, sa pamamagitan ng antigen test, made-detect kung nakakahawa ba ang isa sa araw na iyon o hindi, maging asymptomatic man at dapat itong maging bahagi ng new normal protocol.

Dagdag pa ni Sec. Lopez niya, naisumite na ang rekomendasyong ito sa Technical Working Group (TWG) of Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) ng December 31 at kanila itong isinusulong simula pa Oktubre ng nakaraang taon.

Ayon kay Lopez, maigi na ang mag antigen test kaysa sa walang test at ang Food and Drug Administration (FDA)-approved na antigen self-test kits ay dapat na gawing available sa mga drugstore upang makapag-test ang mga tao sa COVID-19 sa kanilang sari-sariling mga tahanan.

Dagdag pa rin ni Lopez, ang PT-PCT test ay dapat paring gawin sa mga symptomatic na indibidwal at ang antigen test naman ay dagdag proteksyon pa rin kaalinsabay sa required vaccination at PT-PCR test lalo sa dumaraming mga kaso at maaaring Omicron cases.

Malaki rin ang naging pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa kasunod ng mga pagtitipon noong holiday. Bukod dito, nadetect din ang mas nakahahawang Omicron variant.

(Ritz Barredo | La Verdad Correspondent)