Selebrasyon sa pagpapalit ng taon, pangkalahatang mapayapa — PNP

by Radyo La Verdad | January 2, 2024 (Tuesday) | 9356

METRO MANILA – Naging mapayapa sa kabuuan ang selebrasyon sa pagpapalit ng taon sa bansa ayon sa Philippine National Police (PNP).

Gayunman ayon kay PNP Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, 11 insidente ng iligal na pagpapaputok ng baril ang naitala ng pulisya hanggang kahapon (January 1) ng madaling araw.

Aabot naman sa kabuuang 28,754 piraso ng ipinagbabawal na paputok na nagkakahalaga ng P244,130 ang nakumpiska ng mga otoridad.

Mananatili namang nasa heightened alert status ang pambansang pulisya hanggang sa susunod na Linggo upang mabigyan ng seguridad ang inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa mga terminal, daungan, at paliparan na mga uuwi pagkatapos ng selebrasyon.

Tags: ,