Selebrasyon sa pagpapalit ng taon, generally peaceful – PNP

by Radyo La Verdad | January 2, 2017 (Monday) | 1678

dela-rosa
Idineklara ng Philippine National Police na “generally peaceful” ang naging selebrasyon sa pagpapalit ng taon.

Sa isang pahayag, binigyang kredito ni PNP Chief Director General Dela Rosa ang mga miyembro ng pulisya, health department at iba pang ahensya ng pamahalaan at Local Government Units dahil sa matagumpay na kampanya upang mabawasan ang firecracker-related injuries.

Una nang inanunsyo ng DOH na umabot sa tatlong daan at apatnaput walo ang naitalang biktima ng paputok sa pagpasok ng 2017, mas mababa ito sa naitalang five-year average mula 2011 hanggang 2015.

Gayunpaman, nakapagtala naman ng siyam na isolated cases ng stray bullet injuries.

Labing lima naman ang inaresto dahil sa gun-related offenses na kinabibilangan ng isang pulis na kinilalang si PO1 Daniel Castillo mula sa Manila Police District.

Ayon kay NCRPO Chief Police Director Oscar Albayalde, dalawa sa mga stray bullet victims ang naitala sa Metro Manila; ito ay ang bata na tinamaan ng ligaw na bala sa Taguig at ang dalagita mula sa Quezon City.

Nilinaw naman ni General Albayalde na hindi kasamamga kaso ng indiscriminate firing ang naitala sa Sta. Cruz, Maynila at sa Malabon kung saan kritikal ang lagay ng kinse anyos na biktima na si Emmelyn Villanueva.

Tiniyak naman ng National Capital Region Police Office na patuloy ang kanilang imbestigasyon sa kaso ng mga biktima ng ligar na bala.

Tags: , ,