METRO MANILA – Tumaas sa 0.6% ang produksyon ng agrikultura at palaisdaan sa bansa sa huling kwarter ng taong 2021 batay sa Philippine Statistics Authority (PSA), ito ay sa pangunguna ng mga pananim, manok at ng mga subsektor ng pangisdaan.
Nasa 59% o 2.6% ang naging kabuuang halagang na ambag ng produskyon ng pananim tulad ng palay, mais, tubo, pinya, niyog, saging, at mangga.
Sa gitna ng pandemya nagkaroon ng paghihigpit at pagkalugi dahil sa bagyong Odette noong Disyembre 2021, nasa kabuuang 19.9 milyong metriko tonelada o 3.4% na palay na higit na mas mataas sa nakaaraang naitala na 19.29 milyong metriko toneladang palay ayon sa pagtatantya ng PSA.
“Gayunpaman, ipinapakita nito na tayo ay nasa tamang landas sa ating patuloy na pagsisikap na pataasin ang produksyon ng ating mga pangunahing staple, katuwang ang ating milyun-milyong mga magsasaka, mangingisda, mga nag aalaga ng hayop at manukan, mga yunit ng lokal na pamahalaan, pribadong sektor, at mga stakeholder ng industriya ng agri-fishery” ani Agriculture Secretary William Dar.
Samantala, ayon sa PSA bumaba sa -9.7% ang ibinaba ng livestock subsector at ng hog subsector na -12.6% dahil sa ASF.
Sa kabuuan, mananatili tayong nakatutok sa pagpapatupad ng ating mga nakaplanong programa at proyekto sa nalalabing buwan ng administrasyong Duterte, habang ipinamana natin ang matibay na pundasyon at pamana sa susunod na pamunuan,” ani DA Secretary William Dar.
(Zy Cabiles | La Verdad Correspondent)