Sektor ng agrikultura, lumago; inaning palay sa 1st quarter ng taon, umabot sa 4.42M MT

by Radyo La Verdad | May 16, 2017 (Tuesday) | 8377


Umangat ng 5.28% ang performance ng sektor ng agrikultura mula buwan ng Enero hangang Marso ngayong taon.

Isa sa nakatulong ay ang pagtaas ng produksyon ng palay na umabot sa 4.42m metric tons sa parehong mga buwan.

Mas mataas ito ng 12.38% kumpara sa produksyon sa nakaraang taon.

Ayon sa DA, malaking bagay ang panahon at programa ng pamahalaan sa paglago ng agri-sector.

Sa ulat ng Philippine Statistics Authority, nakatulong din sa pagtaas ng produksyon ang paggamit ng hybrid rice.

Ayon sa DA, ramdam ng mga magsasaka ang paglago sa agrikultura sa pamamagitang ng mataas ng presyo ng palay na umabot anila sa P20-21 kada kilo.

Samantala, may mga libreng instrumento na tinatawag na metos ang magagamit ng mga magsasaka sa kanilang pagtatanim.

Mabibigyan nito ng giya ang mga magsasak kung kailan at anong pananim ang dapat nilang gamitin maging ang mga pataba at iba pang input.

(Rey Pelayo)

Tags: , , ,