Seguridad sa Mindanao, mananatiling nasa full alert status – PNP

by Radyo La Verdad | September 12, 2018 (Wednesday) | 8336

Hindi ibababa sa full alert status ng Philippine National Police (PNP) ang seguridad sa Mindanao.

Ibig sabihin, mas magiging mahigpit ang ipinatutupad sa mga key areas gaya ng sa mga check points, pagpapatupad ng target hardening upang maiwasang makapasok ang mga threat groups. Ito ay sa pamamagitan ng pagpapalakas naman ng intelligence community kasama ang iba pang law enforcement agency.

Ayon kay PNP Chief PDG Oscar Albayalde, mananatili ito hanggang may banta ng terorismo at pambobomba sa rehiyon.

Sa ngayon, ang Abu Sayyaf sa Basulta area at BIFF naman sa Central Mindanao at CPP-NPA ang patuloy na tinutugis ng mga otoridad.

Nito lamang nakaraang buwan ay dalawang pagsabog ang nangyari sa Isulan, Sultan Kudarat. Lima rito ang namatay at mahigit apat na pu ang sugatan.

Samantalang sa Isabela City, Basilan naman ay sampu ang nasawi sa pagsabog ng isang bomba.

Samantala, maraming local chief executives partikular sa mga kilalang teritoryo ng mga teroristang grupo ang pabor na ipagpatuloy pa rin ang batas militar sa Mindanao.

 

( Dante Amento / UNTV Correspondent )

Tags: , ,