Seguridad sa mga paaralan, paiigtingin ng DepEd kasunod ng mga bomb threat

by Radyo La Verdad | September 9, 2016 (Friday) | 2383

BRIONES
Naglabas na ng direktiba ang Department of Education sa mga school official na paigtingin ang seguridad sa mga paaralan bunsod ng sunod-sunod na bomb threat nitong mga nakalipas na araw.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, inatasan na niya ang mga ito na makipag-ugnayan sa mga otoridad upang maseguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral at guro.

Ayon pa kay Undersecretary Jesus Mateo, patuloy ang kanilang koordinasyon sa mga pulis at local government officials para sa pagbabantay sa mga paaralan.

Mayroon ding emergency procedures sa mga paaralan sa mga dapatgawin sakaling may emergency at sakuna sa kanilang lugar.

Paalala ng DepEd sa mga magulang na huwag basta maniniwala sa text messages na may bomb threat sa mga paaralan bagkus isangguni agad ito sa otoridad upang makompirma at mabigyan ng aksyon bago ito tuluyang maging dahilan ng panic sa mga paaralan.

(Aiko Miguel / UNTV Correspondent)

Tags: , ,