Seguridad sa mga eskwelahan, patuloy na tinutukan ng Philippine National Police

by Radyo La Verdad | May 14, 2018 (Monday) | 1877

Patuloy na nakaantabay ang mga pulis sa Rizal ngayong araw ng eleksyon partikular na sa Antipolo at Rodriguez dahil sa pinaka malaking populasyon ng mga botante.

Ayon kay Rodriguez chief Pablo Naganag, kaninang alas dose ng hating gabi ay dineploy na nila ang mga ballot box kasabay ng mga guro sa Barangay Balite.

Simula kaninang alas syete ay umiikot na ang Rodriguez Municipal Comelec na si Ricardo Tumines.

Ayon sa kanya ay payapa naman at wala pang nagiging  problema.

Kaninang alas nuwebe y medya, dumating ang sasakyan ng Comelec na may laman na 11 ballot box ngunit hindi naman nagtagal ang mga ito  at umalis pasado alas dyes dala pa din ang mga ballot boxes.

Nagkaroon ng pag-aaalala ang ilang pollwatcher na nakapanayam natin dahil sa mga ballot box.

Anila baka may laman ang mga ito. Hindi naman nagbigay ng pahayag ang Comelec patungkol dito.

Kaalinsabay nito may mga lugar din naman sa Rizal na nagkaroon ng problema gaya ng ilang mga kababayan natin na wala ang kanilang pangalan sa listahan.

 

( Jennica Cruz / UNTV Correspondent )

Tags: , ,