Seguridad para sa mga delegado ng APEC 2015, tiniyak ng Malakanyang; traffic rerouting scheme ipatutupad

by Radyo La Verdad | November 4, 2015 (Wednesday) | 2613

APEC
Bukod sa suspensyon ng klase at pasok sa opisina sa Metro Manila simula November 17 hanggang November 20 bilang pagbibigay daan sa gaganapin Asia Pacific Economic Forum sa bansa, magpapatupad rin ang pamahalaan ng traffic rereouting scheme sa ilang pangunahing lansangan.

Simula November 16 hanggang Novemeber 20, magtatalaga ang palasyo ng special apec lanes sa kahabaan ng EDSA at Roxas Boulevard, kung saan dalawang lane sa EDSA North at South Bound ay ilalaan para sa apec-designated vehicles.

Ang bahagi naman Southbound ng Roxas Boulevard ang itatalaga para sa mga sasakyan ng mga delegado ng APEC habang ang Northbound naman ay bukas para sa lahat ng mga motorista.

Pansamantala ring isasara ang ilang kalsada sa paligid ng CCP Complex maging sa Mall of Asia.

Ipatutupad rin ang daytime truck ban sa bahagi ng south truck route.

Bubuksan lamang ang nasabing kalsada sa mga truck simula alas dyes ng gabi hanggang alas sais ng umaga.

Samantala mahigpit namang ipatutupad ang 24 hour truck ban sa may Roxas Boulevard sa simula Novemebr 16 hannggang 20 para sa APEC Economic Leaders Meeting.

Paliwanag ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, layon ng ipatutupad na traffic scheme na mapaluwag ang ilang kalsada para sa mga delagado at upang masiguro rin ang seguridad ng mga ito. ( Joan Nano / UNTV News )

Tags: