Pinag-aaralan na ng Philippine National Police ang ilang paraan kung papaano maiiwasan ang mga kaso ng murder o attempted murder laban sa mga elected government officials. Ito’y matapos ang nangyaring pagpatay kay Negros Oriental Government Roel Degamo noong March 4.
Nagsagawa ng imbestigasyon ang House Committee on Public Order and Safety upang talakayin kung papaano maiiwasan ang mga ganitong insidente. Ayon sa mga mambabatas, nakakaalarma ang nagiging sitwasyon ng ilang lokal na opisyal. Kinwestyon din ng mga ito ang naging pagresponde ng PNP.
Nangako rin ang PNP na paiigtingin ang monitoring sa mga lugar na itinuturing na hotspots at magsagawa ng operasyon laban sa mga guns for hire.
Pag-aaralan din ng ahensya na dagdagan ang mga security personel ng mga lokal na opisyal.
Sa ngayon, dalawang security personnel ang maaring ibigay ng PNP.
Samantala, nanawagan naman ang mga mambabatas na magsagawa rin ng assessment sa mga delikadong lugar para sa mga opisyal ng pamahalaan.
Aileen Cerrudo | UNTV News