Seguridad na inilatag sa ASEAN Summit, pinuri ng mga bumisitang heads of state

by Radyo La Verdad | November 15, 2017 (Wednesday) | 2584

Pinuri ng mga heads of state ang seguridad na ipinatupad ng pamahalaan ng Pilipinas sa katatapos na  sa ASEAN Summit.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government Officer in Charge at Chairman ng ASEAN Security  Catalino Cuy, naging kuntento ang mga pinuno ng mga bansa sa ibinigay na seguridad sa kanila habang nasa bansa.

Sinabi ni Cuy na hindi pa tapos ang kanilang trabaho dahil marami pang delegado ang hindi muna babalik ng kanilang bansa dahil mamasyal muna ang mga ito.

Nanawagan din si Cuy sa ating mga kababayan na ipakita natin ang magandang pag-uugali ng mga Pilipino sa ating mga bisita.

Samantala muling nagpaalala ang MMDA sa mga motorista na iwasan ang ASEAN lane na daraanan ng mga uuwi ng mga heads of state.

 

 

Tags: , ,