Seguridad na ibibigay ng Police Security Protection Group, sa mga ministers at asawa ng mga Economic leaders all set na

by Radyo La Verdad | November 12, 2015 (Thursday) | 3177

LEA_ALL-SET
Handang handa na ang may 700 tauhan ng Police Security Protection Group o PSPG na syang nakatalaga upang magbigay seguridad sa mga minister at asawa ng mga Economic head.

50 mobile cars din ang gagamitin nila para sa convoy at 100 motorsiklo na inaasahang madadagdagan pa.

Sinabi ni Simon, may minimum na limang sasakyan ang bawat convoy.

Bawat sasakyan ay may kasamang security escort mula PSPG at driver na mula din sa PSPG o HPG.

May 100 tauhan na din silang inilaan para sa seguridad ng mga ito at posibleng madagdagan pa bago matapos ang linggo.(Lea Ylagan/UNTV Correspondent)

Tags: , , ,