Seguridad at mga aktibidad para sa taunang Rodeo Festival sa Masbate, inilatag na

by Radyo La Verdad | March 30, 2016 (Wednesday) | 2293

gerry_rodeo-festival
Puspusan na ang ginagawang paghahanda ng mga organizer para sa Rodeo Masbatenyo Festival na gaganapin ngayong Abril.

Kabilang sa mga aktibidad para sa taunang selebrasyon ay ang Rodeo Saloon sa Masbate grandstand na maaaring pasyalan ng mga turista simula sa Abril a-tres.

Tampok rin ang display at auction ng organic-fed livestock pati na ang mga produktong gawang-bikolano sa Rodeo Trade Fair.

Isang grand Rodeo Festival parade rin ang gaganapin at kasama rito ang mga estudyanteng lalahok sa maaksyong labanan ng cowgirls at cowboys.

May paligsahan rin para sa bull riding, lassoing, bull whipping at casting down.

Ayon kay Judge Manuel Sese, ang presidente ng Rodeo Masbatenyo Festival, layunin ng taunang pagdiriwang na mapalakas ang turismo at cattle industry sa Masbate.

Inaasahan na rin ang pagdating ng maraming turista kaya inilatag na rin nila ang mahigpit na seguridad sa lalawigan.

(Gerry Galicia / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,