Security, rerouting at traffic plan para sa paglilipat sa mga labi ni dating Pangulong Marcos, inihahanda na

by Radyo La Verdad | August 11, 2016 (Thursday) | 1250

GRACE_PAGHAHANDA
Hindi bababa sa isang daan hanggang dalawang daang turista ang pumupunta tuwing weekdays sa Ferdinand Marcos Presidential Center sa Batac, Ilocos Norte kung saan nakalagak ang labi ng dating pangulo.

Mas marami ang dumadayo tuwing weekend na aabot sa apat hanggang limang daan.

Inaasahan ng lokal na pamahalaan na lalo pa itong dadagsain sa mga susunod na araw kapag muli itong binuksan sa publiko bago i-byahe ang mga labi patungo sa Libingan ng mga Bayani.

Ayon kay Police Superintendent Marlon Paiste, Chief of Police ng Batac Ilocos Norte, nagkaroon na sila ng command conference kasama ang Philippine Army ng 24th Infantry Batallion Charlie Company para sa security plan at traffic at re-routing scheme sa buong Batac.

Pinaghahandaan rin ang maaaring pagsasagawa ng protesta ng mga Anti-Marcos Group.

Nagrequest na ang PNP Batac ng additional personnel mula sa 24th Infantry Battalion at Ilocos Norte Police Provincial Office.

(Grace Doctolero / UNTV Correspondent)

Tags: , ,