Security officer na nasugatan matapos mabangga ng taxi sa Quezon City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | January 14, 2016 (Thursday) | 1475

REYNANTE_TMBB
Tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang isang 52 anyos na lalaki na nasugatan matapos na mabangga ng isang taxi ang kanyang minamanehong motorsiklo bandang alas kuatro ng madaling araw sa Commonwealth Avenue, Batasan Hills sa Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Angel Rivero na residente ng Bagong Silang Caloocan at isang security officer.

Nagtamo ito ng hiwa sa kanyang kanang binti na nilapatan ng pang unang lunas ng UNTV News and Rescue Team.

Ayon sa taxi driver na si Gilbert Bissan hindi niya napansin ang naka motorsiklo sa kanyang harapan dahil nakatingin siya sa kasabay na sasakyan.

Sa inisyal na impormasyon ng barangay official inaayos ng biktima ang u-box nito sa gitna nang daan, naka-hazard naman umano siya ngunit paalis na sana siya nang biglang nabangga ng taxi.

Matapos malapatan ng pangunang lunas ang biktima ay tumanggi na siyang magpadala sa hospital.

(Reynante Ponte / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,