Security forces nakatalaga na para sa pagbisita ni Pangulong Aquino bukas

by Radyo La Verdad | January 7, 2016 (Thursday) | 1762

joeie_pnoy
Nagtalaga na ang AFP-PNP ng kinakailangang mga security forces para sa pagbisita ni President Aquino bukas sa pagpapasinaya ng isang power grid dito sa lungsod ng Davao partikular sa Brgy. Binugao, Toril Davao Del Sur.

Ang pagpapasinaya ng power grid na ito ay pagtugon sa suliranin ng Mindanao sa kakulangan ng supply sa enerhiya.

Tungkol naman sa agam-agam hinggil sa seguridad, tiniyak ng Philippine National Police sa pakikipagtulungan ng Armed Forces of the Philippines na sapat ang magiging presensya ng mga pulis bukas para sa seguridad sa gagawing pagpapasinaya ng nasabing power grid.

Humigit kumulang 500 tauhan ng PNP ang nakatalaga sa lugar kung saan magtutungo ang presidente.

Nakatakdang dumating bukas ng umaga ang presidente dito sa lungsod at agad namang susunod ang gagawing pagpapasinaya ng nasabing power grid.

(Joeie Domingo / UNTV Correspondent)

Tags: , ,