METRO MANILA – Tinalakay sa special meeting na ipinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi sa palasyo ang mga posibleng senaryo na maaaring kaharapin ng bansa kung magpapatuloy at lalala ang conflict sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Kabilang sa pinulong ng punong ehekutibo ang ilan sa mga miyembro ng gabinete nito at mga top military at police officers.
Ilan sa pinag-usapan ang security at defense plans ng pamahalaan.
Gayundin ang magiging epekto ng conflict sa ekonomiya, kalakalan at human resource ng bansa.
Nitong Lunes (February 28) ng gabi, sinabi ng pangulo na kailangang malaman ng publiko ang nangyayari at maintindihan ang maaaring maging epekto ng kaguluhan sa mga Pilipino.
“We have to tell the younger generations of what’s — what is at stake. Remember, it could also affect them if somebody — something goes wrong, if somebody goes crazy. It behooves upon now, us, to do everything and tama ‘yun. Our plea in the plenary would really be to join the call for restraint and to de-escalate the violence there. “ ani Pangulong Rodrigo Duterte.
Dagdag pa ng palasyo, kailangan ang mitigating measures, contingency plans at mga programa upang maibsan ang epekto ng mas matagal na Russia-Ukraine conflict sa Pilipinas.
(Rosalie Coz | UNTV News)