Positibo ang naging pananaw ni Secretary Silvestre Bello III na muling ibabalik ni Pangulong Rodrigo Duterte ang usaping pangkapayapaan.
Sa naging pagbisita ng kalihim sa Baguio City, tinukoy niya ang naging desisyon ng pangulo sa pagkansela ng pakikipag-usap ng National Democratic Front of the Philippines o NDFP sa mga rebeldeng grupo.
Sinuspende ng pangulo ang pakikipag-usap ng pangkapayapaan sa mga rebeldeng grupo noong Sabado matapos ang pagpatay ng mga militanteng grupong NPA sa mga pulis at militar.
Sa kabila nito positibo parin ang kalihim na muling ipagpapatuloy ng pangulo ang peace talks dahil sa hangaring makamit ang kapayapaan sa bansa.
(Bradley Robuza / UNTV Correspondent)
Tags: positibo parin na ibabalik ng Pangulong Duterte ang usapin sa pangkapayapaan, Secretary Silvestre Bello III