Naghahanda na ngayon ang mga kinatwan mula sa Commission on Elections, National Movement for Free Elections at Philippine Statistics Authority sa gagawing second level validation ng mga boto mula sa mga presintong isinailalim sa Random Manual Audit o RMA.
Sa Random Manual Audit, tinitignan kung magkakatugma ang bilang ng resulta ng boto sa mga Vote Counting Machine at mano manong bilangan.
715 precints ang napili ng COMELEC na isailalim sa Random Manual Audit at lahat ng ito dadaan sa second level validation na gagawin ngayon araw.
Sa ilalim ng second level validation, ivavalidate kung tumugma ba ang bilang ng mga auditor sa bilang ng VCM machine. Kung sa unang lebel ng RMA ay may mahigit sampung boto na hindi nagkatugma ang bilang ng mano mano sa bilang ng VCM, dadalhin balota nito sa COMELEC mismo para ireexamine.
Matapos ang isasagawang second level validation ay saka naman ito gagawan ng report ng upang isumite sa COMELEC En Banc.
Sa susunod na linggo naman inaasahang lalabas ang resulta ng Random Manual Audit.
Umaasa naman ang COMELEC na magiging maayos ang kakalabasan ng rma ngayong eleksyon dahil sa ilang pagbabagong kanilang ipinatupad.
(Darlene Basingan/UNTV NEWS)
Tags: NAMFREL, Random Manual Audit