Second booster vaccination,panibagong hamon sa COVID-19 vaccination – DOH

by Radyo La Verdad | April 26, 2022 (Tuesday) | 1143

METRO MANILA – Ngayon araw (April 26) itutuloy ang second booster rollout sa iba pang lokal na pamahalaan.

Iaanunsyo ng Department of Health (DOH) kung aling mga lgu ang magssisimula na rin ng pagbabakuna ng second booster.

Ayon sa DOH-National Capital Region, panibagong hamon pagdating sa pagbabakuna kontra COVID-19 ang second booster rollout.

Lalo’t nasa halos 13 million pa lang sa bansa ang nakakatanggap ng kanilang first booster dose.

Nguni’t ayon din naman sa DOH, napapanahon lang ding ibigay ang second booster dose sa mga malaki ang tiyansang mahawa ng COVID-19 dahil mahina ang kanilang immune system at direktang nangangalaga sa mga COVID19 patients.

Isa ang Philippine Children’s Medical Center sa Quezon City sa venue para sa rollout ng second booster dose.

Ayon kay Dr Mary Ann Bunyi ang deputy executive director for education,training and research service ng PCMC, bukas ito kahit sa walk- in lalo kahit saang LGU pa sila manggagaling.

Kailangan lang nila magdala ng kanilang medical certificate, vaccination card at ng kanilang personal identification.

Ang mga aprubadong COVID-19 vaccine brands lang na maaring gamting second booster dose sa bansa ay anga Astrazeneca, Moderna, Pfizer, Sinovac at Sinopharm.

(Aiko Miguel | UNTV News)