Umaasa si Defense Secretary Voltaire Gazmin na kakatigan ng Korte Suprema ang Enhance Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa gitna ng lumalalang tension sa West Philippine Sea.
“We are hoping for a very positive verdict on the Edca. It will be a very big help in the sense that there will be a joint use of facilities and use of equipment by both armed forces,” pahayag ni Gazmin sa harap ng media sa pagdiriwang ng ika-117 anibersaryo ng Philippine Navy na ginanap sa Fort San Felipe.
Inaasahan na ilalabas ng Supreme Court ang desisyon nito sa EDCA sa susunod na buwan o sa Hulyo.
Sa ilalim ng EDCA, pinapayagan nito ang tropang militar ng Estados Unidos na makapagtayo ng sarili nitong pasilidad at maglagak ng kanilang armas sa ilang piling base military sa bansa.
Nitong mga nakaraang buwan, mas naging agresibo ang China sa West Philippine Sea nang paigtingin nito ang reclamation activities sa mga pinagaagawang teritoryo kung saan nasa mahigit 800 ektarya na ang kanilang natatambakan.
Tags: China, Defense Secretary Voltaire Gazmin, EDCA, Enhance Defense Cooperation Agreement, West Philippine Sea