Sec. Francisco Duque, pormal nang nanungkulan bilang Health Secretary

by Radyo La Verdad | November 6, 2017 (Monday) | 4122

Dati nang pinamunuan ni Sec. Francisco Duque ang Department of Helath sa ilalim ng pamumuno ni dating Pangulong Gloria Arroyo.

Ayon sa kalihim, gagawin din aniya ang lahat upang magamit sa nararapat ang hinihinging 164.8 billion pesos na budget ng DOH para sa taong2018.

Prayoridad din aniya ngayong gawin ang mandato ni Pangulong Duterte na tumulong sa rehabilitasyon ng Marawi. Nakatakda ring magtungo ngayong linggo si Sec. Duque sa Marawi upang tignan ang kalagayan ng evacuees.

Sa ngayon, patuloy ang pagpapadala ng kagawaran ng medical supplies sa lungsod para sa isinasagawang medical assistance, mental, psychosocial at psychological debriefing ng mga biktima ng giyera.

Ayon sa kalihim ayaw na niya itong maantala. Ipinahayag din ng niya ang plano niyang ituloy ang nasimulang istratehiya sa ilalim ng Arroyo administration.

Samantala, pinasalamatan ni Sec. Duque si former Health Chief Dr. Paulyn Ubial sa pagbibigay ng suporta at sa paggabay nito sa kagawaran sa kaniyang panunungkulan.

Siniguro din ni Sec. Duque kay Dr. Ubial na ipagpapatuloy at pipilitin niyang matapos ang mga nasimulan nitong programa.

Bukas naman si Dr. Ubial sakaling bigyan siya ng isa pang pagkakataon upang muling maglingkod sa pamahalaan.

 

( Aiko Miguel / UNTV Correspondent )

Tags: , ,