Bibiyahe na ngayong araw si Government Peace Panel Negotiating Chief Secretary Silvestre Bello The Third patungong Norway para sa ikalawang bahagi ng peace talks ng pamahalaan at National Democratic Front of the Philippines o NDFP.
Pangunahin sa agenda ng pulong ang socio-economic reforms at pagpapatupad ng bilateral ceasefire ng pamahalaan at ng mga rebeldeng grupo.
Pag-uusapan din ang pagbibigay ng general amnesty sa mahigit apat na raang political prisoners.
Tags: bibiyahe na pa-Norway, ikalawang bahagi ng GPH-NDF peace talks, Sec. Bello III
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com