Sebastian at Paulo Duterte, nanguna sa mayoral at congressional race sa Davao City

by Radyo La Verdad | May 11, 2022 (Wednesday) | 25317

Nangunguna sa bilangan sa lokal na posisyon ang dalawa pang anak ni Pangulong Rodrigo Duterte.

As of 9pm kahapon, nakakuha na ng 593,064 votes si vice mayor Sebastian Baste Duterte na kumakandidato sa pagka alkalde ng Davao City.

Sinundan ito ni Atty. Ruy Elias Lopez na may  67, 313 votes. 3,004 votes naman ang nakuha ni Joseph Elizalde at 1,002 votes kay Teddy Mantilla.

Ang panganay na anak naman ng Pangulo na si Paulo Duterte na kumakandidato sa pagka kongresista sa unang distrito ay nakuha ng mayorya ng boto laban sa mga katunggali nito.

As of 9pm kagabi (May 10), mayroon ng 211, 872 votes si “Pulong” malayo sa nakuhang boto nina Mags Maglana na mayroon lamang 14,101 votes, Jamal Kanan na may 1,361 votes at Jovanie Mantawel na may 641 votes.

As of 9pm din ay 1,345 out of 1,411 clustered precincts na ng election returns ang transmitted na o 95.32 percent sa Davao City.

Sa ngayon wala pang anunsyo mula sa sanggunian kung kelan ang proclamation ng mga nanalo.

Samantala, ilang miembro naman ng grupong Anakbayan sa Davao City freedom park kahapon ang nagsagawa ng rally upang ipahayag ang kanilang pagtutol sa inilabas na resulta ng partial, unofficial count ng Comelec para sa presidential race kung saan nanguna ang Marcos Jr. – Duterte tandem.

Marisol Montaño | UNTV News

Tags: , ,