Labing dalawang indibidwal pa ang patuloy na hinahanap ng mga responders na kasama sa na-trap sa loob ng gusali ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na natabunan ng gumuhong lupa sa pananalasa ng Bagyong Rosita noong nakaraang linggo.
Ayon kay Natonin Mayor Mateo Chiyawan, nakakuha ng karagdagang dalawang bangkay ang search and retrieval team noong Linggo. Sinabi din ni Chiyawan na naiuwi na rin ang labing-apat na bangkay na narekober sa ground zero sa kani-kanilang bayan o lalawigan.
Batay naman sa isinagawang assessment kahapon ng Office of the Civil Defense Cordillera, kasama ang local government unit (LGU) ng Natonin, Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Department, Philippine Army at ilang rescue groups, hanggang sa Biyernes na lang maghuhukay ang rescue teams sa lugar upang i-retrieve ang mga nawawala pa.
Samantala, dalawa pang bangkay na naretrieve noong Biyernes ang nananatiling unidentified at nasa Funeral Carbonell Alfonso Lista, Ifugao.
Sa ngayon ay patuloy ang pagdating ng ilang rescue groups mula sa iba’t-ibang rehiyon upang tumulong sa mas mabilis na search and retrieval operation sa ground zero.
( Grace Doctolero / UNTV Correspondent )
Tags: landslide, Mt.Province, search and retrieval
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com