Itinigil na muna ang search and retrieval operation sa natabunang gusali ng DPWH sa Natonin, Mountain Province.
Sa isinagawang post assessment meeting na pinangunahan ni Commander LTC Narciso Nabulneg, Ruben Carandang ng Office of the Civil Defense ng Cordillera at Brigadier General Leopoldo Imbang ng 503rd BDE, nagpasaya silang tapusin na ang search and retrieval operations alas sais kahapon. Ito ay matapos na wala na silang makuhang bangkay makalipas ang tatlong araw.
Sa ngayon, nanatiling labing isa pa rin ang nawawala, habang labing pito na ang narecover.
Ngayong araw ay nagsagawa ng final meeting ang provincial local government unit ng Mountain Province, mga opisyal ng Natonin at pamilya ng mga nasawi.
Kasama sa tinalakay ay ang pagturn-over ng operasyon sa provincial government sa pamamagitan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ng Mountain Province.
Ika-30 ng Oktubre nang matabunan ng gumuhong lupa ang building ng DPWH sa Sitio Hakrang, Barangay Banawel dahil sa pananalasa ng Bagyong Rosita.
Tags: Bagyong Rosita, Natonin, search and retrieval operation