Search and Rescue Operation sa mga nawawalang biktima ng lindol Davao Del Sur, nagpapatuloy

by Erika Endraca | November 5, 2019 (Tuesday) | 5300

DAVAO DEL SUR – Hindi pa rin nakikita ang 3 residente ng Davao Del Sur. Kaya hindi tumitigil ang iba’t ibang rescue team sa paghahanap sa mga nawawalang biktima.

Nilinaw naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na 21 at hindi 22 lang ang bilang ng mga nasawi sa lindol sa Mindanao dahil nadoble lang ang pagkakakilanlan sa isa sa mga biktima. Siksikan pa din sa 32 evacuation centers sa Davao Del Sur at North Cotabato ang mahigit  20,000 residente na lumikas dahil sa lindol.

Samantala problema isa sa mga problema ng mga pamilyang apektado ay ang mga kakulangan sa palikuran. Wala pa ring natutukoy ang lokal na pamahalaan na permanenteng lugar na paglilipatan sa mga ito.

Maliban dito, pinangangambahan din ng lokal na pamahalaan sa Davao Del Sur ang posibleng pagkakaroon ng landslide sakaling magkaroon ng malakas na ulan sa mga apektadong lugar.

(Hazel Fuerzas | UNTV News)

Tags: ,