Sea level sa Pilipinas, tatlong beses na mas mataas kumpara sa global average

by Radyo La Verdad | September 23, 2022 (Friday) | 8893

Patuloy na nakararanas ng epekto ng climate change ang Pilipinas, katunayan nito ang nararamdaman nating mainit na temperatura.

Ang mga bagyong nararanasan natin ay tumataas na rin ang intensity sa 170 kilometers per hour.

Ayon sa PAGASA, sa nakalipas na sampung taon may kaunting pagtaas sa bilang ng malalakas na mga bagyo na dumadaan sa bansa.

Ayon kay Rozalinda de Guzman ang Chief ng Climate Change data ng PAGASA, maaaring magdulot ito ng mga pagkalubog sa baha ng mga low lying areas lalo na kapag tag-ulan.

Pangunahing maapektuhan nito ang mga kababayan nating nakatira malapit sa mga dalampasigan.

Apektado rin ng pagtaas ng temperatura ang ani ng mga magsasaka.

“’Pag tumaas ang temperature ng one degree centigrade ay mababawasan ‘yung yield natin ng 10% ito po ang very critical sa Pilipinas kasi po tayo ay rice eating country,” pahayag ni Rozalinda de Guzman, Chief, Climate Data Section, PAGASA.

May mga programa naman ang PAGASA at Department of Agriculture para maibsan ang epekto nito. Kasama na riyan ang paglalagay mga early warning systems sa agricultural areas. Pagtatayo ng mga PAGASA weather radar at regional flood forecasting centers sa mga probinsiya.

Batay sa projection ng PAGASA, kapag hindi naresolba ang epekto ng climate change sa bansa, pagdating ng 2050 o sa katapusan ng 21st century, tataas ng 4 degrees centrigrade ang temperatura sa bansa, patuloy na tataaas ang sea level at magiging mas madalas ang pagdating ng malalakas na bagyo.

Tags: