Science, Techonology and Innovation, may malaking tulong sa ekonomiya

by Radyo La Verdad | August 10, 2015 (Monday) | 1172

APEC
Naging sentro sa ika-anim na APEC meeting ngayong araw ang mga maibibigay na tulong ng science, technology and innovation sa pagpapalago ng ekonomiya.

Kabilang dito ang pagpapalawak ng economic growth, trade and investment opportunities maging ang social progress.

Kaya naman layunin ng APEC Policy Partnership on Science, Technology and Innovation o PPSTI na makabuo ng isang market-based innovation policy environment para sa commercialization at i-promote ang innovation capacity at kooperasyon sa pagitan ng mga miyembro ng APEC.

Ayon naman kay Department of Science and Technology o DOST Secretary Mario Montejo, maalaki ang magiging kontribusyon ng Micro, Small and Medium Enterprises o MSME dito.

Aniya, karamihan ng business establishments sa bansa ay msme at lampas kalahati ng mga nagtatrabaho ay mula sa MSME.

Gayunman ayon sa kalihim, dapat ay palakasin pa ang mga ito upang lubos na magtagumpay at mapakinabangan.

Kaugnay nito, hinikayat ni Montejo ang mga APEC delegates na tignan kung papaano pa mas matutulungan ang mga msme at ang mga tinatawag na techno entreprenuers upang makatulong ng malaki sa ekonomiya ng bansa.

Nangako naman ang PPSTI na gagawin ang lahat upang matulungang umunlad ang mga APEC Member sa tulong ng siyensya.

Inaasahan na sa pagtatapos ng meeting sa Myerkules ay may mga mapagkakasunduang bago ang mga APEC Delegates kaugnay ng science techonology at innovation. (Darlene Basingan/ UNTV News)

Tags: