School mental health at school-based feeding program, sinimulan ng DepEd

by Radyo La Verdad | January 25, 2024 (Thursday) | 3568

METRO MANILA – Mahalaga para sa Department of Education (DepEd) na mapangalagaan ang kalusugan ng mga mag-aaral.

Kaya pinasimulan kahapon (January 24) ng kagawaran ang school mental health program at school-based feeding program sa pangunguna ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte.

Ang School Mental Health Program (SMHP) ay nakatuon sa pagpapalakas ng kaisipan at loob ng mga estudyante pagdating sa iba’t ibang sitwasyon. Nakapaloob rito ang pagsiguro na makatatanggap ng gabay at psychosocial services ang mga batang mangangailangan nito

Ayon kay Education Secretary Vice President Sara Duterte, doble ang budget na nakalaan rito kung saan hindi lang ang mental health ng mga estudyante ang nais tugunan kundi maging ng mga guro sa paaralan.

Kasabay ding isinagawa kahapon (January 24) ang school-based feeding program (SBFP) kung saan ibinabalik ang hot meals at nutritious food products (NFPS) kasama ang gatas para matugunan ang under nutrition sa mga bata mula Kinder hanggang Grade 6 level.

Mahalaga para kay Vice President at Education Secretary Duterte ng mental at pisikal na kalusugan ng mga estudyante. Kaya mas pinag-bubuti aniya ng deped ang mga programang tutugon sa mga ito.

(Jed Nerecina | UNTV News)

Tags: