Plano ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA na makapagtalaga ng drop off at pick up point sa mga eskwelahan na malapit sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.
Maglalaan ang mga eskwelahan ng shuttle service na susundo at maghahatid sa mga estudyante, guro at empleyado sa mga itinalagang pick up at drop off point ng MMDA.
“If you have a particular school in mind and then tignan mo lang saan yung mga centers na pwede ka mag drop off dito sa satellite areas pwede yan.” Pahayag ni MMDA Chairman Atty. Emerson Carlos
Ilan sa mga natukoy ng MMDA na dapat lagyan ng drop off at pick up points ay ang Ateneo de Manila University, Miriam Collage at De La Salle Greenhills.
Magsasagawa naman ngayong araw ng trial ang Ateneo sa bagong sistemang nais ipatupad ng MMDA.
(Mon Jocson/UNTV Radio)