Scheduled water interruption ng Maynila, tuloy na bukas

by Radyo La Verdad | September 15, 2015 (Tuesday) | 1457

MAYNILAD
Makararanas na ng water interruption simula bukas ang 56% ng Maynilad customers.

Sa loob ng 7 oras o mula alas nueve ng gabi hanggang alas cuatro ng umaga ay puputulin ang supply ng tubig.

Ayon sa Maynilad sa pamamagitan nito ay makakatipid ng tubig ang Angat dam na sa kasalukuyan ay nasa 38cms na lamang ang alokasyon nito sa Metro Manila.

Ang normal allocation ng Angat dam ay 44 cmcs ngunit nagbawas ito upang mapaghandaan ang magiging epekto ng el niño na maaring tumagal pa hanggang sa kalagitnaan ng 2016.

Kaninang alas sais ng umaga ay nasa 189.27 meters ang water level ng angat.

Ayon sa Maynilad, kung hindi parin maaabot ng Angat dam ang dapat nitong lebel ay posibleng mas mahabang oras ang water interruption at mas maraming customer ang maaapektuhan

Isasagawa ng Maynilad ang scheduled water interruption upang hindi na maulit ang nangyari noong 2010 kung saan may mga lugar na 24 na oras na walang supply ng tubig.

May bentahe naman ang mga nasa mabababang lugar dahil mas malaki ang tsansa na hindi sila makaranas ng water interruption.

Ang Manila Water naman ay hindi pa magpapatupad ng water interruption subalit umpisa sa September 21 may makararamdam ang mga consumer nito ng paghina ng pressure mula 10pm hanggang 5am.

Tinatayang nasa 22% ng mga sineserbisyuhan ng Manila Water na 167 barangay ang makararanas mahinang pressure ng tubig. ( Rey Pelayo / UNTV News )

Tags: