Naglabas na ng abiso ang pamunuan ng Light Rail Transit sa magiging iskedyul ng operasyon nito ngayon holiday season.
Ayon kay Light Rail Transit Authority (LRTA) Spokesperson Hernando Cabrera, ang huling train schedule para a LRT 2 ay alas-otso ng gabi mula Santolan at mula Recto ay alas-8:30 ng gabi sa Marso 23 (Miyerkules).
Walang train operations simula Marso 24 (Huwebes ) hanggang Marso 27 (Linggo).
Bukod dito, suspendido rin ang operasyon ng LRT 1 sa kahalintulad ring petsa.
Magbabalik ang operasyon sa Lunes (Marso 28) ng alas-singko ng madaling-araw.
Samantala, wala ring operasyon ang MRT-3 simula sa Marso 24 hanggang 27.
Magbabalik ang regular operation nito sa Marso 28 ng alas-4:30 ng madaling-araw hanggang alas-10:00 ng gabi.
Sa Marso 23 (Miyerkules), mananatili pang full operations ang MRT mula alas-4:30 ng madaling-araw hanggang alas-10:00 ng gabi.
Samantala, sa advisory naman ng PNR, wala itong operasyon sa Marso 24-26 dahil sa maintenance activities.
Sa Miyerkules (Marso 23), ang huling tren mula Tutuban ay aalis ng alas-6:35 ng gabi habang ang last trip mula Alabang ay alas-otso ng gabi.
(UNTV NEWS)