Satisfaction rating ni Vice President Jejomar Binay, nakabawi ayon sa SWS survey

by dennis | June 26, 2015 (Friday) | 1222

BINAY

Nakabawi ang satisfaction rating ni Vice President Jejomar Binay base sa inilabas na ulat ng Social Weather Station Survey ngayong Biyernes.

Ito ay matapos makapagtala ng mababang rating na positive 31 noong Marso.

Batay sa SWS survey, nakakuha ng positive 42 satisfaction rating si Binay.

Sa 1,200 respondents na tinanong noong nakaraang June 5 hanggang 8, 64% ang nasisiyahan sa trabaho ng bise presidente mula sa dating 58% noong Marso, habang 22% naman ang hindi nasisiyahan at 13% naman ang hindi makapagpasiya.

Bumaba ang rating ng ikalawang pangulo noong nakaraang Marso dahil sa pagkakadawit nito sa isyu ng korupsyon. Subalit itinangi naman nito ang naturang mga alegasyon.(Jerico Albano/UNTV Radio)

Tags: ,