Satisfaction rating ni Pnoy, bumaba – SWS survey

by dennis | April 6, 2015 (Monday) | 2136
File photo

File photo

Bumaba ang satisfaction rating ni Pangulong Benigno Aquino III batay sa pinakahuling SWS survey.

Ayon sa isinagawang survey ng Social Weather Stations nitong ika-20 hanggang 23 ng Marso, bumagsak ng 11% o katumbas ng 28 points ang satisfaction rating ng Pangulo mula sa 39% noong Disyembre ng nakaraang taon.

Lumabas din sa survey na 50% ng mga Pilipino ang tutol na bumaba sa kanyang tungkulin ang Pangulo, 32% naman ang pabor habang 18% ang undecided sa usapin.

Tags: , , ,