Maghapong tumanggap ng mga registrant ang Commission on Elections sa market market sa Taguig City ngayong araw.
Ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista, layon nitong ilapit na mismo sa mga botante ang pagrerehistro.
Bukas din ang COMELEC na magsagawa ng satelite registration sa mga barangay depende sa hiling ng Local Government Units.
Muli namang paalala ng COMELEC sa publiko na magrehistro habang maaga pa dahil hindi na sila magbibigay ng extension.
Isasara ng comelec ang voter’s registration sa Abril upang muling makapaghanda sa pagdaraos ng Sangguniang Kabataan at barangay elections.
Dalawa hanggang tatlong milyong mga botante pa ang target ng COMELEC na makapagrehistro hanggang sa Abril.
(Roderic Mendoza / UNTV Correspondent)