Sari-saring inobasyon sa Music Industry, naisagawa ng WISH 107-5 sa loob ng tatlong taon

by Radyo La Verdad | January 11, 2018 (Thursday) | 7076

Bagamat tatlong taon pa lamang simula nang sumahimpapawid ang WISH 107-5, kinahumalingan na ito ng maraming music fans. Dahil sa mga inobasyon at one-of-a-kind concepts ng istasyon ay umani na ito ng sari-saring parangal at ng atensyon mula sa iba’t-ibang panig ng mundo. Kabilang na sa mga ito ang sikat na sikat na WISH Bus na inilunsad sa pagpapasimula ng istasyon.

Ang WISH 107-5 Bus ang kauna-unahan at nag-iisang FM booth on wheels sa bansa. Sa mga hindi nakakaalam, ito ay galing sa mapanlikhang-isip ni Kuya Daniel Razon. Ang bus ay equipped ng state of the art facilities na ginagamit para makapag-produce ng inyong mga paboritong WISHclusive videos dahil sa pagiging unique nito, kahit saan man makarating ay talaga namang nililingon ang roving music hub na ito.

Regular na umiikot ang bus sa iba’t-ibang lugar sa bansa para maghatid ng free mini-concert sakay ang mga hinahangaang Filipino at International Artists at sa mga susunod na panahon, makikita na rin natin ito sa ibang bansa.

Isa pang patok na programa ng istasyon ang WISHcovery na nagsho-showcase ng talento ng mga aspiring Filipino singers sa mundo.

Sa kasalukuyan, ito ang pinakamalaking online singing contest sa bansa. Bukod sa mga inobasyong ito, itinuturing ding unique ang WISH 107-5 dahil sa pagiging FM station with a heart dahil bawat munting kahilingang natutupad, dala’y ngiti sa mga natulungan.

Isa pa sa mga natatanging konsepto ng WISH FM ay ang WISH Music Awards na bukod sa pagbibigay parangal sa mga promising artist ay isa ring charitable event.

Alamin naman natin kung paano ito nagsimula at kung gaano na karami ang natulungan ng istasyon sa pamamagitan nito sa pagpapatuloy ng aking report.

 

( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )

Tags: , ,