Sapat na classroom sa Quezon City ngayong pasukan, tiniyak ng Quezon City Government

by Radyo La Verdad | June 2, 2016 (Thursday) | 4875

JOMS_CLASSROOM
Tinitiyak ng pamunuan ng Quezon City na may sapat na silid- aralan sa lungsod para sa mahigit 400,000 mag-aaral na inasahang dadagsa ngayong pasukan sa iba’t ibang pampublikong paaralan sa syudad sa unang araw ng klase sa ika-13 ng Hunyo.

Ito ay dahil sa 1.3 bilyon pesos na pondong inilaan ng pamahalaang lungsod para sa pangangailangang pang-edukasyon tulad ng pagbili ng lupang pagtatayuan ng mga bagong eskwelahan at pagpapatayo ng dagdag na mga klasrum para sa senior high school.

Sa kasalukuyan ay mayroon 96 public elementary at 46 high school na klasrum na nakahanda para sa 433,612 na estudyante ngayong pasukan at nakapagpatayo na rin ng walong school building sa ilang public high school na may kabuuang 128 silid aralan na gagamitin ng mga mag-aaral na papasok sa senior high school.

Tags: , ,