Hindi parin matukoy ng Department of Health Region 8 ang klase ng bacteria na naging sanhi ng diarrhea outbreak sa tatlong bayan sa samar simula pa noong nakaraang linggo.
Sa ulat ng DOH, umabot sa apatnaput apat ang bilang ng nasawi sa nasabing outbreak at mahigit sa tatlung libo naman ang kanilang naitalang kaso nito.
Sa ngayon kontrolado na ang diarrhea outbreak sa Samar Province.
Tuloy-tuloy din ang pamamahagi ng gamot sa mga residente at pinayuhan ang mga ito na lagyan ng chlorine salt ang mga pinakuluang tubig bago ito inumin hanggat hindi pa tukoy ang bakteriyang sanhi ng sakit.
Samantala tatlong karagdagang doctor naman ang ipinadala sa lugar upang makatulong sa mga pasyente.
(Jenelyn Gaquit / UNTV Correspondent)
Tags: DOH, hindi parin matukoy, Samar, Sanhi ng diarrhea outbreak