Naniniwala ang Philippine National Police San Juan nawalang dahilan para isama ang kanilang lungsod sa listahan ng mga election hotspot.
Ayon kay San Juan Chief of Police P/SSupt. Ariel Arcinas, tahimik ang San Juan at wala din naman siyang nakikitang intense political rivalry o election related violence sa lungsod.
Gayunman, sinabi ni Arcinas na karapatan ng sino mang kandidato na i-request ito sa Comelec at PNP.
Nilinaw din ng pamunuan ng PNP na sasailalim sa masusing assessment ang isang lugar bago ito ideklarang hotspot.
Maging ang alkalde ng San Juan ay tutol din na isama ito sa listahan ng hotspot.
Ayon sa San Juan PNP maaaring ireport sa kanilang tanggapan kung may mga pagbabanta na natatanggap ang sinomang kandidato at agad naman nila itong aaksyunan.
Maaari ding mag request ng security sa Comelec at sa Police Security Protection Group ang mga pulitiko kung talagang may natatanggap silang pagbabanta sa kanilang buhay. ( Lea Ylagan / UNTV News )