San Juan City Vice Mayor Francis Zamora, naghain ng not guilty plea sa kasong illegal use of public funds

by Radyo La Verdad | May 17, 2016 (Tuesday) | 1260

JOYCE_ZAMORA
Binasahan na ng sakdal sa Sandiganbayan 6th division si San Juan city Vice Mayor Francis Zamora.

Not guilty plea ang inihain ni Zamora sa conditional arraignment sa kasong illegal use of public funds.

Kaugnay ito sa 2.1 million pesos na umano’y calamity fund ng San Juan City na ginamit upang ipambili ng high powered firearms noong 2008.

Ayon sa impormasyon ng kaso, labag sa batas ang paggamit ng pondo na nakalaan na sa iba.

Kapwa akusado ni Zamora si Sen JV Ejercito na nanungkulan noon bilang Mayor ng San Juan City.

Sinabi ni Zamora wala naman anomalya sa procurement ng mga armas dahil galing sa supplemental budget ang ipinambili nito at hindi sa calamity fund.

Humiling ng conditional arraignment si Zamora sa Sandiganbayan dahil sa kanyang mosyon na makabyahe sa Amerika mula may 22 hanggang June 9.

Ayon kay Zamora, nais niyang lumabas ng bansa kasama ang kanyang pamilya upang makapagpahingamula sa kampanya sa katatapos na eleksyon kung saan hindi siya pinalad na manalo bilang alkalde ng San Juan City.

Nagbayad na rin siya ng travel bond na 6 thousand pesos.

(Joyce Balancio / UNTV Correspondent)

Tags: ,