Tumaas ng P1.8M ang yaman ni Pangulong Benigno Aquino III base sa isinumite nitong Statement of Asset, Liabilities and Net Worth (SALN) mula taong 2013 hangang 2014.
Sa isinuniteng SALN ng pangulo, nakasaad ang networth na P68,311,644 mula sa dating P66,494,183.
Kabilang sa nakatala ay ang hindi bababa sa P32 million na halaga ng kanyang real properties.
Kabilang dito ang house and lot sa Quezon City, residential lot sa Tarlac City, commercial lot sa San Juan City, at agricultural lot sa Tarlac.
Bukod dito, nakasaad din sa net worth ng Pangulo ang hindi bababa sa P30 million na cash on hand at nasa bangko at ang tatlong milyong piso na halaga ng motor vehicle.
Paliwanag naman ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, ang pagtaas ng net worth ng Pangulo ay dahil sa tinanggap na sahod nito, kinitang interest at 20% shares ng ari-arian na minana nito mula sa partido ng pamilya Sumulong sa panig ng kaniyang ina na si Cory Aquino. (Jerico Albano/UNTV Radio)
Tags: Pangulong Aquino, SALN