SALN ng mga senador, inilabas na; Sen. Villar pinakamayamang senador

by Radyo La Verdad | May 17, 2016 (Tuesday) | 3488

JAPHET_SEN.VILLAR
Inilabas na ang 2015 Statement of Assets Liabilities and Networth ng mga senador ng 16th Congress.

Nangunguna sa top 10 na pinakamayamang senador si Cynthia Villar na may 3.5 billion total assets at walang liabilities.

Sumunod naman sina Senador Ralph Recto na may mahigit 500 milyon, Senador Marcos na may 211 million, Jinggoy Estrada na may mahigit 193 million, Bong Revilla , mahigit na173 million, Juan Ponce Enrile, mahigit 122 million, Sonny Angara , mahigit 118 million, Teofisto Guingona mahigit 103 million, Serge Osmeña mahigit 90 million at Grace Poe 89 million na total assets.

pinakamahirap naman sina Senador Antonio Trillanes IV at Chiz Escudero na may mahigit 5 million total assets.

Ayon sa Civil Service Commission, tungkulin ng mga incumbent public officials at mga empleyado ng pamahalaan na magdeklara ng kanilang SALN.

Ang SALN ang comprehensive record ng assets, liabilities, networth, business interests at financial connections ng mga nagta-trabaho sa pamahalaan

Kasama na rin dito ang pangalan ng mga kamag-anak ng isang opisyal na mayroon ring posisyon sa pamahalaan hanggang sa fourth degree of consanguinity or affinity.

Ang pagsusumite ng SALN ng mga opisyal ng pamahalaan ay alinsunod sa Republic Act No. 6713 o code of conduct and ethical standards for public officials and employees.

Ang SALN ng mga senador mula Enero hanggang December 31, 2015 ay ideneklara bago ang April 30, 2016

(Bryan De Paz / UNTV Correspondent)

Tags: , ,