Salaysay ni John Paul Solano kaugnay ng umano’y tunay na dahilan ng pagkamatay ni Atio Castillo, ikinadismaya ng ilang senador

by Radyo La Verdad | October 25, 2017 (Wednesday) | 8266

Hindi inaasaan ng ilang senador ang nilalaman ng isinumiteng affidavit ni John Paul Solano na pangunahing suspek sa pagkamatay ng hazing victim na si Horacio “Atio” Castillo III. Dito nakasaad na mayroon umanong pre-existing heart condition si Atio at posible umanong sakit sa puso ang ikinamatay nito.

Una nang nagpahayag ng pagkadismaya ni Senator Juan Miguel Zubiri na nagsabing malinaw na panloloko ang ginagawa ni Solano at pilit inililigtas ang sarili sa kaso. Malinaw aniya na nagdadahilan lamang si Solano at ang abogado nito. Ganito rin ang pananaw ni Senator Francis Escudero. Para sa senador, dahil sa mga naging pahayag ni Solano ay hindi dapat ito maging state witness.

Sa kasalukuyan ay nakadetine pa rin sa senado ang na-contempt na itinuturong lider ng Aegis Juris Fraternity na si Arvin Balag dahil sa pagtanggi nito na sumagot sa mga pagtatanong sa nakaraang imbestigasyon ng senado.

 

( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,