Salaysay ng mga testigo, sapat na upang kasuhan ang mga nasa likod ng iligal na droga sa Bilibid – Aguirre

by Radyo La Verdad | September 19, 2016 (Monday) | 1576

RODERIC_AGUIRRE
Nasa tatlumpung testigo ang ihaharap ng Departmen of Justice sa pagdinig ng Mababang Kapulungan ng kongreso bukas hinggil sa talamak na bentahan ng illegal na droga sa new bilibid prisons.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, isisiwalat ng kanilang mga witness kung paano ito nangyayari, sinu-sino ang mga sangkot, nagpabaya at kumukonsinte nito.

Kung pagbabasehan aniya ang testimonya ng mga ito, may sapat nang basehan upang magsampa ang doj ng kasong graft at paglabag sa RA 9165 sa mga isinasangkot sa bentahan ng droga sa Bilibid.

Kabilang sa mga tetestigo ang convicted drug leader na si Herbert Colangco na nagsabing tatlong milyong pisong drug money ang tinatanggap sa kanya ng dating justice secretary bawat buwan.

Haharap din sa pagdinig si nbi deputy director rafael ragos na kilalang malapit sa dating kalihim at naging OIC pa ng Bureau of Corrections.

Nang tanungin kung ano ang partisipasyon ni De Lima sa droga sa Bilibid, sagot ni Aguirre.

Ayon pa sa kalihim, bibigyan ng immunity ang iba sa mga testigo at ang iba naman ay isasailalim sa witness protection program ng pamahalaan.

Muli namang pinabulaanan ni De Lima na tumanggap siya ng pera mula sa mga drug lord sa Bilibid.

(Roderic Mendoza / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,