Kung si Justice Sec. Vitaliano Aguirre ang tatanungin, malaking bagay ang naging salaysay ng kanilang testigo sa pagdinig ng Kamara kahapon.
Makakatulong aniya ito sa inihahandang kaso laban kay Senador Leila de Lima.
Pangunahin na rito ang testimonya ng high-profile inmate na si Engelberto Durano na personal umanong nag-abot ng 1.5 million pesos na drug money kay dating Justice Sec. de Lima.
Malaki rin aniya ang maitutulong ng naging salaysay sa pagdinig ni dating BuCor Director Franklin Bucayu na umaming may basbas ni De Lima ang hindi pagsasama sa CIDG sa Bilibid raid noong 2014.
Samantala, ipapalagay naman ng doj sa immigration look out bulletin ang dating driver ni Sen. De Lima na si Ronnie Dayan.
May mosyon na rin upang patawan ng contempt si Dayan dahil sa hindi nito pagdalo sa imbestigasyon;
At kapag nabigo siyang magpaliwanag hanggang ngayong araw, posibleng ipaaresto na siya ng Kamara.
(Roderic Mendoza / UNTV Correspondent)
Tags: malaki ang maitutulong sa inihahandang kaso laban kay De Lima, Salaysay ng mga testigo sa pagdinig ng Kamara kahapon, SOJ Aguirre